Hindi ko alam paano at saan magsisimula. Hindi ko alam para saan ba ‘tong ginagawa ko. Siguro gusto ko lang talaga maglabas ng “sama ng loob” Well, sama ng loob kasi malungkot yung isang tao na sobrang malapit sa akin. Alam ko kung bakit mabigat pakiramdam niya… Kaso, wala naman akong magawa para mapagaan ito. Hindi ko alam kung paano siya “ikocomfort” kasi sa isang banda, yung pagkabigat ng loob niya may parte sa akin na gusto ko yung ginagawa niya. Gusto ko na itigil na niya yun. Selfish kung iisipin pero yun lang naman ang kagustuhan ko na hindi ko magawang sabihin sa kanya kasi kung ano ang desisyon niya at ikaliligaya niya, dun ako. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko… Hindi ko alam kung anung sasabihin ko… Basta ang alam ko, gusto ko bumalik na sa dati. Ang daming “Sana”. Hindi ko alam kung anung nangyari at bigla na lang naging ganun… Parang isang Kisapmata. Gusto ko ulit yung dating masaya. Yung wala kaming ibang iniisip… Pero hindi ko alam. Minsan sinasabi ko na lang sa kanya na, “Andito lang ako.” gasgas na linya pero ayoko kasi na mawala siya sa akin. Kahit masakit, andito lang ako. Yung andami niyo ng napagdaanan sa ilang buwan. Tas biglang naramdaman ko yung “balewala” na lang ako. Ay oo nga pala, tungkol sa kanya ito. Matagal ko naman ng nasabi sa kanya… at kahit paulit ulit ko pang sabihin, mahal ko talaga siya. At feeling ko, magaanniversary ang pagmamahal ko sa kanya. Andito lang ako, kahit masakit wag kang magalala… Hindi kita bibitawan. Andito lang ako, kahit nakakapagod, wag magalala… Hindi kita pababayaan. Andito lang ako, kahit nakakasawa, wag magalala… Hindi kita hahayaan. :)
“Whatever you do to me, I’m still here.” Walang iwanan diba? >:D<
KISAPMATA.
Nitong umaga lang,
Pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang
Hayop kung tumingin.
Nitong umaga lang,
Pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang
Walang aawat sa atin.
[Chorus]
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/r/rivermaya/kisapmata.html ]
O kay bilis namang Maglaho ng
Pag-ibig mo sinta,
Daig mo pa ang isang kisapmata.
Kanina’y naryan lang o ba’t
Bigla namang nawala.
Daig mo pa ang isang kisapmata.
Kani-kanina lang,
Pagka ganda-ganda
Ng pagkasabi mong
Sana’y tayo na nga.
Kani-kanina lang,
Pagka saya-saya
Ng buhay kong
Bigla na lamang nag-iba
[Repeat Chorus]
nitong umaga lang
Pagkalambing lambing
nitong umaga lang
Pagkagaling galing
Kani-kanina lang
Pagkaganda ganda
Kani-kanina lang
Pagkasaya-saya
[Repeat Chorus]










